Umaga palang excited na kami sumakay sa bus, excited na namin agad makain ang baon namin😂 nakatoka kami sa Bus no. 2, at may laman na 44 katao, ka-bus namin ang Asst. Principal na si Maam Joyce Lanozo at may kasama syang mga anak nya. Tatlong section ang laman ng Bus no. 2 ang grade 12-Maxwell, 12-Comte, at 11-Roussue.
Nang umandar na ng Bus masaya kaming umalis sa school kasabay na rin ng pagdadasal upng humingi ng gabay mula sa panginoon. Sa una medyo maingay pa ang bus dahil nga sa naaamoy nilang mabaho na para bang amoy na nasusunog, isa na rin ako sa kinabahan kung anong meron sa bus pero sabi ng tour guide ganon lang daw yon kapag umaandar ang bus.
Makalipas ang dalawang oras may ilan na rin kaming naubos na pagkain😂 at ang malupet, bawal mag stop-over ang bus sa nakalaan na paghihintuan dahil traffic nga at isa pa malayo pa kami. Dahil sa tagal ng byahe naging memorable ang fieldtrip dahil may kaklase kaming hindi na mapigilan ang pag-ihi kaya napilitan syang umihi sa plastik at nagtulong-tulong kaming takpan ang kaklase namin, natawa kami dahil may konting hindi nashoot sa plastik, kaya para sakin yun ang THE BEST FIELDTRIP EVER na may nangyaring ganon sa CR.
-Joselle Manggubat
#kulitansabus
#fieldtripS.Y.18-19






























